Highly spontaneous.
Hindi ako gumagamit ng planner.
Isang Eng'g student na naliligaw.
Music Major by heart. :)
Catching Elephant is a theme by Andy Taylor
This is a super late pooooost~!
Cheers to this amazing evening at VueBar (Bellevue) Alabang. :D
Pagsikip ng dibdib.
Pansamantalang pag-ikot ng mundo.
Susubukang intindihin ang bawat salitan binitawan,
Bawat letrang nakatitik.
Patuloy ang pag-ikot.
Susubukan mong sabayan.
Wala nang mawawala,
Gawa nang nawala na.
Panlalamig ng kamay.
Alam mo na ‘to,
Walang kahit anong bago.
Walang surpresa.
Pagtigil ng oras.
Na sana’y nangyari na noon pa.
O pwede ring ngayon na.
O nangyayari na nga.
Pag-ngiti.
Pati ang sarili mo, kaya mong linlangin,
Paniwalain.
Pagkatapos, ang luha– bubuhos, at mawawala.
‘Sing bilis ng pagdating at pag-alis.
Ko.
Niya.
Pagtibok ng puso.
Lungkot? O pagkagulat? Pagkagalit?
Basta hindi sa pag-ibig.
Hindi rin sa pagkamuhi.
Pagtibok ng puso.
Paalalang patuloy ang pagsikat at paglubog ng araw.
Paalalang walang mag-iiba–
Sa mundo nila.
Hindi sa iyo.
Siya? Ako?
Ang pagtibok ng puso–
O hindi na.